Sige na nga. Balik-grind na naman tayo sa Midgard. 🤷 Classic pre-renewal, walang drama, para sa barkada.
Base, job, drop. Cards 3× / MVP 1.5×. Mabilis — pero hindi pang-instant, may pinaghirapan pa rin.
Yung Ragnarok na alam mo. Classic feel, flat stats, walang gimik. Max Base 99 / Job 50 — walang trans, walang third jobs, walang kaartehan.
Knight, Assassin, Wizard, Priest — yung mga job na alam mo. Walang trans, walang rebirth. Puro nostalgia.
Warper, Healer, Job Master, Stylist, Reset, Breeder, Platinum — andiyan lahat. Walang hassle.
Alam namin. Sobrang dami na. 4,000+ na server since 2003. Pero heto pa rin kami. Sagot namin lahat, walang tinatago:
Oo. Sobra. Ika-4,127 na kami. Pero wala kaming pake — gusto lang naming mag-grind kasama kayo, hindi maging bilyonaryo.
Wala kaming ibebenta. Walang donation, walang cash shop. Pondo ng server? GCash lang ni GM, nagtitipid siya.
Honest? Baka 3 buwan. Baka 3 taon. Depende kung kelan mag-move on si GM sa susunod na hobby niya. Enjoy while it lasts.
Pwede naman. Pero mas masaya kung may kabarkada — kaya nga “gawa ng barkada, para sa barkada.” Yaya mo na sila.
Baka mag-last lang ‘to ng 3 buwan. Baka bigla na lang mawala si GM pag na-busy sa trabaho o may bagong laro. Walang refund kasi walang binayaran. Pero habang buhay ‘to? Sagot ka namin sa saya. Deal?
Alam mo yung kwento. May sikat na server dati — “balanced daw, no donation, hindi pay-to-win.” Ang nangyari? May GM na palihim na nag-generate ng rare items, tapos ibinenta sa players ng mamahaling halaga. Nabuko rin. Yun ang hindi kami. Heto ang pangako namin, itim sa puti:
Walang “galing sa langit” na +10 gear. Kung meron ka niyan, pinaghirapan mo — hindi binenta sa ‘yo ni GM.
Zero cash shop, zero donation perks. Wala kaming kikitain, kaya wala kaming dahilan para tumakas.
Kung may gagawin man kaming item o event, sasabihin namin sa Discord. Walang ninja sa likod ng screen.
Hindi kami bibigla-mawala. Pag di na kaya, sasabihin namin nang maaga — may abiso, hindi ghost mode.
Isang minuto lang. Username at password, tapos na.
I-download sa baba, tapos i-unzip kahit saan (Desktop okay lang).
Naka-configure na ang launcher papunta sa server — buksan lang, walang isesetup.
Gamitin yung account na ginawa mo. Welcome sa Midgard — ulit. 👋
Inaayos pa namin ang client at server bago namin buksan sa lahat. Gumawa muna ng account o mag-join sa Discord para ma-notify ka pagbukas. Malapit na, promise! 🧿
Bago ka lang? Ito yung lahat-lahat sa isang download — game at launcher, sabay. Wala nang iba pang i-install.
RagnarokLauncher.May Ragnarok client ka na sa PC? Kunin lang yung launcher, i-unzip sa existing client folder mo, tapos run ang RagnarokLauncher.
Yung launcher na ang bahala mag-update ng game mo after — isang beses mo lang i-download yung full client. 🎉
Check kung ilan dito ang na-relate mo. Kung lahat — welcome home, tito/tita. 🥺
Tatlong tao lang kami. Walang malaking kompanya, walang investor — magkakaibigan lang na may sobrang free time. 🤷
Nag-host ng server, nagbabayad ng VPS, nawawala tuwing may deadline sa totoong trabaho.
Nag-hohost ng events, sumasagot sa Discord, at siya ang nagdi-disguise sa Prontera fountain.
Gumagawa ng NPC scripts at nag-aayos ng bugs. Sabi niya “5 minutes lang” — 3 araw na.
Lahat ng oras naka-PHT (GMT+8), syempre. I-set mo na alarm mo, boss.
Sabado & Linggo
8:00 PM – 10:00 PM PHT. Ihanda na ang guild, ‘tol.
Hulihin ang tamang Poring, panalo ka.
Biyernes
9:00 PM PHT sa Prontera fountain. Sagutan ng bilis!
Kada buwan
First weekend ng bawat buwan. Grind fest kasama barkada.
Totoong changelog, honest na honest. Hindi lahat ng update ay maganda — pero sinasabi namin.